Pagkabukas ko ng Facebook at Tumblr, Aj Perez is dead kagad ang nakita ko. Dafaq! Troll ba ‘to o totoo na? Sinearch ko sa Google and I found out it is true. Crush ko kaya ‘yan, dati pa. Kahit baguhan pa lang siya do’n sa isang TV Program sa ABS CBN. Patay na patay ako diyan nung nakita ko siya sa 8waves nung nagtaping sila dun ng ASAP. Dang it! Tapos 18 lang siya? Fucking 18. Ang dami pa niyang magagawa sa buhay niya eh. Madami pang projects na darating para sa ‘kaniya pero lupet talaga ng tadhana eh. Bahala na lang si God sa ‘kaniya kahit ngayon eh alam kong nagdudusa si God.  

>>
I fucking hate this feeling. >>

I’m going to miss Miggy talaga. Magbabakasyon sila sa USA for one month. Samantalang ako trap dito sa bahay, init na init. Haha. Punta ako maya sa kanila para magpayakap. 

>>

Fuck you, GSM Blue. Akala ko para ka lang Tanduay Ice na hindi naman masyadong nakakalasing. Kaya ko tinry. Mga naka-tatlong shots pa lang ako, hilong hilo na ako. Gumegewang gewang na rin ako sa paglalakad at hindi ko mapigilang tumawa. Kami lang ni Johan ang naginuman, dapat nga kasama si Paola kaso hindi ubra. Ang pakla pa nung timpla ng Tang at GSM. Nung medyo nahahalata na ni Johan na lasing na ako eh tinapon na niya ‘yung GSM. Pinunasan ako ng tubig sa mukha. Hinang hina talaga ako at hindi ako makagalaw ng matino. Binuhat ako ni Johan papunta sa kama tapos inalalayan ako. Nung sabi ko nasusuka ako, dinala niya ako sa banyo at fuck. Fuck, fuck. Sumuka talaga ako. Nahihiya rin ako kay Johan at parang alalay ko talaga siya kanina. Pero nakakatuwa naman na kahit may klase pa siya ng 2pm eh hinintay niya munang makatulog ako tsaka siya umalis. Nung nawala na siya, hirap na hirap akong tumayo. Papunta punta ako sa banyo at suka nga ng suka. Pinipilit ko ‘yung sarili kong tumayo at natatawa ako dahil nakuha ko pang ngumiti sa harap ng salamin. Mga 5pm na siguro ako naging okay pero hilong hilo pa rin at nakahiga lang ako sa kama. Mga bandang 6 siguro, pinapunta ko si Paola sa bahay at siya naman ang nag-alaga sa akin. Bangag pa ako no’n pero nakakapagsalita na kahit papano. Mga bandang 7 siguro, pumunta si Johan sa bahay para dalin ‘yung Mcdo fries na pinabili ni Paola at para i-check din kung okay na ako. Sa kabutihang palad, medyo ayos ayos na ako. Nakakatayo na ng matino at nakakapagbiro na. 

Walang hiya talaga, hinding hindi na ako iinom. Ayoko ng malasing. Ang tindi pa nung impact sa akin dahil nga hindi naman ako umiinom. Ang dali ko nalasing. Fuck. Ayoko na talaga. Kahit ngayon eh medyo mabigat pa rin yung ulo ko na parang anytime pwede ako bumagsak. Katrauma sobra.

>>